Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging Wikang Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika Ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling Wikang Pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroonng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ang lahat.
Naunawaan  ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging pangulo ako. Ako ang pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bansang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako’y naglalakbay sa mga lalawiganin at kinakausap ang aking kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakahihiya, Hindi ba? Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit, dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng Wikang Pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga ilokano na iloko ang wikang pambansa; ang mga tagalaog,tagalog; ang mga bisaya. Bisaya Ako ay tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba’t ibang wikang Pilipino na Mangyan  ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko Higit sa Ibang Wika. Tagalog ang ginamit naming sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Iloko, Bisaya o ano pa mang katutubong wika para magkaroon tayo ng Wikang Pambansa.

Florante at Laura (Script) ELEY

FLORANTE AT LAURA ni FRANCISCO BALAGTAS

Tagapagsalaysay: Sa labas ng kahariang Albania matatagpuan ang madilim, malawak at mapanglaw na gubat ng Quezonaria, rito ay may isang lalaking mala-Adonis ang tindig na nakagapos sa puno ng Higera. Ang lalaking nakagapos ay si Florante ang anak ng mag-asawang si Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Albania. Habang nakagapos, muling nanumbalik ang mga karaingan ni Florante, mga alaala kung saan si Adolfong sukaban ang pumatay sa kanyang ama, kay haring Linceo  at umagaw sa kanyang kasintahang si Laura.

Florante: Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa amin ang Kapalaran! Kung ayaw dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na boses! Kung ibig mong ako’y magdusa, isagi mo lamang sa puso’t isipan ni Laura ako’y minsang mapag-alaala.

Tagapagsalaysay: Nagkataon ang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas, pananamit ay Moro sa Persiyang siyudad. Siya ay si Aladin ang gererong Moro ng Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab, na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama at kasintahang si Flerida ay umalis sa sariling bayan.

(Si Aladin at Florante aynasa magkalayong  dako ng gubat ngunit si Aladin ay naglakad patungo kung saan malapit si Florante.)

Aladin: Flerida! Flerida!
 Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t ikaw na rin ang umagaw sa aking kaligayahan! (exhibition with sword and shield) Kung hindi ang iginagalang kong ama ang umagaw kay Flerida, hindi ko masabi kung ang aking sandata’y bumuga ng laksang kamatayan.

Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y inulila sa gitna ng sakit para kong nakikita ang malupit na parusa  sa iyo ng taksil na si Adolfo.

Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako sana ay maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!

Aladin:  Ako’y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa kanyang kasakiman  na ako’y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang kasawian kong ito ay nauuukol sa nakapanghihinayang na pag-aaruga ni ama.

Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang palad. Gayon man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man ang aking mga laman at buto, Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.

(magdaragdag ng iba pang sasabihin tungkol sa mga pagtangis ni Florante sa buhay habang hahanapin ni Aladin ang Boses)

Tagapagsalaysay:  Nagpatuloy sa pagtangis si Florante at nakikinig si Aladin ngunit di pa nito natatapos ang ilang pangungusap ay may dalawang Leong hangos nang paglalakad siya’y tinutungot pagsil-in ang hangad, ngunit nangatil pagdating sa harap. Dahil Diyan. Inisip niya na ito na ang katapusan niya kaya siya’y nagsimulang magpaalam.

Florante:  Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan. Malaki ang aking panghihinayang sa iyo. Pagkabata ko na’y wala akong inadhika kundi, ang ikaw ay paglingkuran at gugulin sa iyo ang aking dugo. O, Albanya huwag mo lamang sanangg ipahamak ang aking Laura.

Tagapagsalaysay: nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon ay agad niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.

Pagkatapos mapatay ni Aladin ng dalawang mabangis na Leon, pinakawalan niya si Florante sa pagkakatali.

(mawawalan ng malay si Florante at aarugain siya ni Aladin)

Aladin: Ano kaya ang nangyari sa taong ito?

Tagapagsalaysay:Pagkatapos arugain ni Aladin si Florante namulat ang mata ni Florante at siya ay nagising.

Florante:  Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin kung mamamatay ako’y gunitain mo rin……- hala? Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay!

Aladin: Ligtas ka na sa panganib  at sa mga sakit nakikita mo na ako’y isang moro, datapwat hindi bininyagan ay tao rin ako, may damdamin at nasasaklaw ng mg utos ng Diyos. Naririnig ko ang iyong panaghoy at nagdamdam ang aking puso kaya hinanap kita. Natagpuan kitang nakatali at sasagpangin ng dalawang Leon. Hindi ako nagsawalang bahala at kinalaban ang mga Leon.

Florante:  Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nalibing na sana ako sa tiyan ng Leon. O, bakit mo pa ako niligtas at di hinayaang malagot ang aking buhay?

Aladin: tayo’y lumipat ng puwesto doon sa bato at tayo’y kumain at magpahinga.

Florante: (sobrang mahina) sa-salamat…

Tagapagsalaysay:  mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo’y nabubuhay pa kaya huwag mong sabihin na sana’y  hinayaan nalang kita sa kamay ng mga Leon.

Florante: Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyo sa kabutihang ipinagkaloob mo?

Aladin:  nainiwala akong hindi ka magaaalinlangan sa akin, bagamat nakikita mong ako’y isang moro lamang, kayat nais ko sanang ipagtapat mo ang lahat ng iyong damdamin upang  hanggang maaga ay makatulong ako sa iyo.

Florante:  umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na loob kaya’t di lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko kundi simula’t sapul sa aking pagkabata.

Ang pangalan ko’y Florante at ako’y nakatira sa Albania. Ang ama ko’y si Duke Briseo at ang mahal kong  ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.

Noong ako’y bata pa kamuntikan na akong kunin  ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako ng Pinsan kong si Menalipo at pinana niya ito

(maglalahad ng sasabihin ni Menalipo at florante tungkol sa Bwireng ibon)

Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni ama na akoy mag-aral sa Atenas.

Duke Briseo: o Florante, anak ko
                        nais kong sabihin sa iyo,
                      panahon na para tuklasin ang mundo,
                        dagdagan ang kaalaman at dunog mo
                        na pumapaksa tungkol sa ating mundo

Florante:matutupad ang iyong nais minamahal kong ama
            karununga’y kapangyarihan dapat na tinatamasa

            Pagtutol ma’y hindi pumasok sa king isipan
            pagkat kagalakan kong matupad yaring kagustuhan

Duke Briseo:  salamat, Florante sa iyong pagtanggap
                        Matupad nawa ang iyong pinapangarap
                        Ikaw ay tutungo sa lungsod ng Atenas
                        Upang Matuto at lumiwanag yaring landas.

(magpapakita si Prinsesa Floresca)

Prinsesa Floresca:  o, Briseo mahal ko
kailangan niya bang lisanin yaring Reynong ito?
pag-aaral sa malayo ay maaaring magdulot ng lungkot
kaya’t kung maaari’y paglisan ay iyong iudlot

Duke Briseo:  Mas maraming kaalaman ang kanyang matututuhan
sa Atenas na lungsod ng karunungan
kaya sinta kong Floresca, ikaw ay Huwag mabahala
ito ay para sa ikakabubuti niya

Prinsesa Floresca:  kung ganoon asawa ko wala akong tutol
Florante, ang atensyon mo sana’y sa pag-aaral ipukol
Alagaan ang sarili at laging tandaan
pagbabalik mo’y hihintayin ng Albanyang bayan

(magyayakapan si Florante at Prinsesa Floresca)

………………….

(maglalakbay si Florante patungong Atenas)
(sa Atenas)

Antenor:  maligayang pagdating Florante, ito ang paaralang iyong papasukan, Ako nga pala si Antenor ang iyong magiging guro dito sa Atenas.

Florante:  Salamat po Maestro Antenor(malungkot na boses)

Antenor:  O Florante bakit ka nalulungkot?

Florante:  Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na’t mapapalayo ako sa aking pinakamamahal na ama’t ina.

Antenor:  Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang nag-aaral dito, lilipas rin ang lungkot mo, halika Florante at magugustuhan mo dito sa Atenas sapagkat magkakaroon ka dito ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa paaralan

(Florante: Doon ko nakilala si Adolfo pati na rin si Menandro, Sinabi sa akin ni Maestro Antenor na Si Adlofo’y galing sa Albanya kaya ako’y lubusang natuwa.)

Antenor: Heto si Menadro. Siya ay isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas. Aliwin mo ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti.

Florante:  Ako ay si Florante at ako ay nagmula sa kaharian ng Albanya.

Menandro: Ako ay si Menandro, ako ay kaibigan mo buhat ngayon at ikaw ay kaibigan naming lahat.

Menadro at iba pang mag-aaral: Mabuhay si Florante! Mabuhay tayong lahat!

(Florante: Hindi nagtagal ay naging malapit kong kaibigan si Menandro. Pagkatapos ng anim na taon na pag-aaral ko sa Atenas. Ang kahusayan na mayroon si Adolfo ay nakikita narin sa akin nang aming Maestro)

Antenor: Mahusay ka Florante, nakita ko na ikaw ay magaling pala sa Pilosopiya, Astrolohiya at Matematika

Florante: Salamat po Maestro

(Florante: Dito nagsimulang magalit sa akin si Adolfo sa kadahilanang nalampasan ko na raw ang aking kagalingan na mayroon siya.)

Tagapagsalaysay: Isang hapon ay tinipon kami ni maestro Antenor upang maipakita ang aming kagalingan.

Antenor:  tayo ngay’y magkakaroon ng isang pagsasadula
Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Ang tatanghal ay si Florante’t Adolfo
Florante Bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles

Tagapagsalaysay:   nanghanda nang magsadula’y si Adolfo ay nanlisik ang mata
kay Florante’y may balak na masama
balak nitong paslangin at totohanin
ngunit mayroong isang taong si Florante’y handang saklolohan

(magsasadula mayhawak na Espada ang dalawa)

Adolfo:  Ikaw Floranteng sa kapurihan ko’y umagaw
Dapat sa iyo’y mamatay!

(dadating si Menandro at ililigtas si Florante)

Menandro:  Ikaw, Adolfo anong nagyari sa iyo
nasisiraan ka na ba ng ulo?
Ang pagsasadula’y iyong tinotoo
hindi mo kailangang gawin ito

Tagapagsalaysay:  Si Adolfo’y  tinotoo ang dula-dulaan
ngnit si Menandro’y niligtas ang kaibigan
Si Adolfong may sala’y pinabalik sa Albanya

(papasok si antenor)

Antenor: Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang, kaya’t hindi katanggap-tanggap ang iyong ginawa. Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan nais kong bumalik ka sa Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa.

(Florante:  pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako’y nakatanggap ng isang sulat na ang hatid ay isang masamang balita. Ang aking pinakamamahal na  ina ay namatay na at ang  liham ay nagmula sa aking butihing ama.

Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas hanggang sa makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama at nais niya sa Albanya’y ako’y magbalik na sampu nang sasakyan ang sumundo sa akin)

Florante: Maestro paalam na po

Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t paggiliw, lalong pag-ingata’t kaaway na Lihim, siyang isaisip na kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo. Muli kayong magkakasama sa isang lugar kahit pa malawak ang Kahariang Albanya siguradong landas niyo’y muling magkikita. Huwag mong kalilimutan na ang puso niya’y puno na nang inggit at poot mula sayo, Datapwat huwag kang magpapahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa
sasandatahiy Lihim na ihanda nang may maipagtatanggol sa araw ng digma.

Florante: Opo Salamat po maestro.

Menandro: Mag-iingat ka Florante, alalahain mo naririto kami handang tumulong.(humahagulgol)

Kamag-aral:  Paalam Florante!

Tagapagsalaysay:   Si Florante’y naglakbay pabalik sa Albanyang bayan. Hindi naglaon paa niya’y yumapak at nagtungo sa ama, humalik sa kamay at tinanong ang nangyari sa ina.

(Florante:  habang nag-uusap kami ni ama dumating ang embahador ng Krotona upang ibigay ang liham galing sa hari nila. Sila  ay humingi ng tulong dahil sinakop ito ni Heneral Osmalik ng Persya, sabi-sabi ay pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo, Alading kilabot ng mga gerero.

Aladin: (mapapangit)“ Binirang balita’y magtapat, kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.”

Duke Briseo: May sulat nagmula sa Krotona
humihingi ng tulong ang pakay nila
nanganganib na itong sakupin
ni heneral Osmalik ng Persiya.

Bukas sila’y pupunta
at ipaglalaban ang bayang nag-aalsa
Sa tulong ni Floranteng aking anak
maililigtas natin ang bayan ng Korotona.

Tagapagsalaysay: Nang dumating ang dalawa sa palasyo
itong si Florante’t may naramdaman
magkahalong kaba’t pag-ibig
nang Makita ang anak ng Hari

(magyayakapan Si haring linceo at duke Briseo

Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling? Mukha siyang isang bunying gerero.

Briseo: Siya’y bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak,ibilang sa isang basalyot alagad

(linceo yayakapinn si Florante)

Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging  pansamantalang heneral ng hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero na magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo.

Briseo: Masususnod mahal na hari

Linceo: Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng angking kahusayan sa Atenas. Walang duda nagmana ka sa iyong ama.

Florante: (walang maisagot, sa halip tatango at  kusang yayakap kay linceo)

Linceo: ikinalulugod kong ikaw ay makilala
ibig ko nga pa lang ipakilala sa iyo
itong anak kong si Laura

Florante:  Magandang umaga Bb.Masaya akot nakilala kita
ngalan ko’y Florante, wala ng iba

Laura: Magandang umaga FloranteMasaya rin akong makilala kita

Florante: Nawa’y makilala rin kita ng lubusan
Laura: Gayon rin ako ngunit ilang araw na lang ay aalis ka na

Florante: Oo  nga ngunit sinisigurado ko sa iyong ako’y magbabalik

Laura tara na’t pumasok sa loob magsisimula na ang piging.

Tagapagsalaysay:  Pagkatapos ng tatlong gabing piging

Linceo:  Magandang gabi sa iyo Florante kailangan mo nang maghanda para sa iyong pag-alis

(magtutungo si Florante at ang kanyang hukbo sa Krotona)

(digmaan)

(unti-unting mamamatay ang alagad ni Osmalik)

(maglalaban si Osmalik at Florante)

(matatalo ang mga moro)

Menandro:  Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Krotona!
Mga Algad: mabuhay!

Menandro:  Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Krotona!

Lahat: MABUHAY!

(pauwi na sa kaharian sina Florante at ang kanyang hukbo)

(silay nakapila at  pinupuri ng mga tao)

 Hari ng Krotona: Ikinalulugod ko kayo’y naparito at ipinanalo ang digmaan

Florante:  Walang anuman mahal na hari, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng bayan

Tagapagsalaysay: Naglagi ng  limang buwan si Florante sa Crotona, nagpilit bumalik sa Reynong Albanya ngunit ng matanaw yaring bayan, isang masamang kutob sa puso ang lalong nagpahirap, nang makitang bandila ng kaaway ang winawagayway, Albanya’y nasalakay ng mga Morong sukaban.

(nagtigil sa paanan ng bundok ang hukbo ni Florante)

(Ninanais ng mga morong maangkin si Laura ngunit papalag Ito kaya’t napagdesisyunan na siya ay pugutan ng ulo)

Alagad:  Heneral Florante, maynaaaninag ako tila isang binibini na nakagapos, ang mga moro’y nagbabalak na pugutan siya.

Florante: Maghanda ang lahat tayo’y lulusob

(magkakaroon ng saglit na digmaan )

(tinanggal ni Florante sa pagakakagapos ang babae at  ang takip nito sa mukha(

Florante: O, Laurang aking sinta, ikay huwag ng lumuha naririto ako upang iligtas ka

Laura:  O, Floranteng aking irog, salamat at akoy niligtas mula sa kamay ng morong kalaban

Florante: Laura aking mahal, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo

Laura: Florante iyo ring iligtas, ang ama ko’t ama mo kasama na ang iba pang taga-Albanyang nabilanggo.

(magtutungo si Florante sa bilangguan upang kalabanin ang morong bantay at palayain ang mga bilanggo)

(magbubunyi ang haring Linceo, duke Briseo at mga taga-Albanya ngunit maiinggit si Adolfo at muling kasusuklaman si Florante)

………………

Aladin:  dahil natalastas mo na ang iyong buhay, ako nama’y magpapakilala nang pormal.

Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako’y hindi naghirap dito, dahil wala nang mas hihirap pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, sa pagkuha sa kanya ng aking sariling ama.

Oo nga’t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako’y bumalik sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo

Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito
iyong iniwan ang Albanya at hukbo?
ika’y nasa gitna ng dIgmaan
kaya’t sa iyong pag-uwi ano ang kadahilanan

Aladin: Ama ko sandali ito ang kapaliwanagan………..

(hindi pa siya tapos magsalita ay susunggaban siya ng mga kawal, mapupumiglas si Aladin ngunit wala itong silbi.)

Aladin:  Ama ko ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?
isa kang taksil sukab at huwad na gerero!
Kung si Flerida ang dahilan ng kataksilan mo
hindi mo maaagaw ang sinta ko!

Sultan Ali-Adab: tama na ang satsat kung ayaw mong masaktan
Ako ang pinuno ng Persiya, iyan ay aking karapatan!
hala sige, ikulong yan sa gitna ng kawalan
at sa madaling panahon siya ay pugutan!

(tatawa ng malakas ang sultan)

…………..
Aladin: Ano yun sino iyong nagsasalita?

Florante: Aba ewan ko hindi ako iyon

Tagapagsalaysay: Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya
mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura

Laura:  Bitiwan mo ako Adolfo!
Ako ay para lamang kay Floranteng giliw ko
Ang tulad mong taksil at duwag
sa pag-iibigan naming ni Florante’y hindi makatitibag

(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)

Adolfo: O, Laurang prinsesa huwag mo akong galitin
ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa dilim
Katawan niya ngayo’y pinagpipyestahan na wari ng mga Leon
kaya’t wala kang ibang pagpipilian kundi…..mapasa akin.

Laura: Mas pilpiliin ko pang mamatay, o Adolfong Sukab
Kung wala na si Floranteng sinta aanhin ko pa ang buhay!
hindi ako papayag na mapasaiyo, at ipinapangako ko
di ka magtatagumpay sa iyong plano

Adolfo: nauubos na ang Pasensiya ko kakaintindi sa iyo
wala na Si Floranteng sinisinta mo!

Tagpagsalaysay:  Akmang sasaktan ni Florante si Laura
Ngunit isang pana ang tumama
tumalima sa dibdib ng Adolfong taksil
na sa buhay nito ay siyang kumitil

Flerida: O abang dalaga, anong kalagayan mo
Talagang walang hiya ang lalaking ito
Flerida nga pala ang aking ngalan
na nagmula sa Persiang kaharian

Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong Krotona

(iikot sa kagubatan ang dalawang kababaihan habang nagkukwentuhan)

Flerida: Nung nalaman  kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay pakawalan at huwag pugutan kapalit nito’y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan ang sultang sukaban.

Pumayag ang sultan, Prinsipe Aladin ay agad pinakawalan, ngunit siniguradong malalayo ito sa kaharian

Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang  kasuotan  ng isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang taon rin akong nagpagala-gala rito sa kagubatan hanggang sa maabutan kitang muntik nang pagsamantalahan.

Laura: Maraming salamat sa iyong kabutihan
nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan.

(habang naglalakad ay magkikita-kita ang mga magkakasintahan)

Flerida: O Aladin!

Laura: Sinta kong Florante!

Aladin:  Minamahal kong Flerida

Florante:  O Laura! Giliw ko!

Laura:  O Florante, ako’y tunay na nabahala!
Ang gubat na ito’y lubhang mapinsala
Akoy nagpapasalamat dito kay Flerida
Na sa aki’y nagligtas at kay Adolfo’y pumana

Florante:O salamat sa diyos at ika’y ligtassalamat din Flerida dahil puso moy likas
ako ngayo’y panatag na pagkat ika’t matiwasay
at dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay

Kung hindi dahil sa kanya, ako ngayo’y  pagkain na
Ng mga gutom na leon na dito ay naglipana
gayon na lamang ang tuwa, ng isang moro ang sumagupa
sa mabangis na Leon na tila handa

Aladin:  Walang Anuman , katoto kong Florante

Laura: Florante irog ko
Di lubhang naglaon noong pag-alis mo,
Bayang Albanya’y naging pipi sa gulo

Sigawang malakas “mamatay! Mamatatay ang haring Linceo
ito’y kagagawan ni Adolfo pinapugutan niya ang ama ko at iba pang inosenteng tao Pinadalhan kita ng isang liham umaasang magbabalik kasama ang hukbo upang lumaban ngunit si Menandro ang dumating at kinubkob ng hukbo ang Albanyang bayan

Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo kapag dating dito ako’y dinahas at ibig ilugso ang puri ko.

Buti’t dumating si Flerida at akoy Niligtas. Salamat sa iyo Flerida, Salamat dahil sa iyo ako’y buhay pa

Flerida: Ako ay nahabag kay Laura ng Makita kong nilalapastangan siya kinuha ko ang Busog at pana kinitil ang buhay ng taong masama

Tagapagsalaysay: habang nag-uusap ay darating si Menandro at iba pang kawal na waring hinahanap si Adolfo ngunit laking tuwa ng Makita ang katoto

(uuwi sa kaharian)

Mga tao: Viva Floranteng hari ng Albanya!
mabuhay mabuhay ang Prinsesa laura!

Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo, pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng Albanya nagkaroon muli ito ng kapayapaan, umunlad, nagkaisa at bumalik ang dating sigla

Habang si Aladin at Flerida ay pinamunuan ang kanilang kaharian sa Persiya!